MULING pinatunayan nina John Lloyd Cruz at SARAH GERONIMO ang magic ng kanilang tambalan. Sa first day ng movie nilang YOU CHANGED MY LIFE, ay naungusan na nila ang record ng una nilang pelikula ang A VERY SPECIAL LOVE. According to Star Cinema, P18 million ang first day ng nasabing movie. Kaya naman ang masaya ang mga artista ng pelikula lalo na si direk Cathy Garcia-Molina. Inisip daw nito na baka hindi nila maabot ang tagumpay ng una niyang ginawa.
After the premiere night, nagkaroon ng cast party, dito na binuhos nina Lloydie at SARAH ang nararamdaman nila sa isa’t-isa. Aminadong malungkot daw sila dahil hindi nila alam kung mauulit pa ang pagtatambal nila o kung mangyari man ay baka raw matagalan.
Pag-amin pa ng POP PRINCESS, “Hindi ako nahihiyang sabihin na mahal na mahal ko si John Lloyd pero walang malisya. Walang romantic or something. Sa dalawang movie na pinagsamahan namin, natutunan ko siyang mahalin bilang siya hindi bilang katrabaho. Mami-miss ko siya kasi two months akong mawawala sa Pilipinas. Salamat sa kanya sa lahat.”

4 comments ↓
congrats to the team of the movie YOU CHANGED MY LIFE.
hope that there is a follow up on this movie probably next year.
sNa this nXt yr. ul8 mEron…anG gAnda nG “YCML” naKakaTuwa at NAkkaKilig.!!!keep up the gOOd work ‘GOd bLess…
k lNg Buti maY Part 3 pA nMn…kaYa lNg bat GAnun kaAsar maG taTAmbal c sArah at C Raver maBubuhay na ung mGA SAVERS fans..Fanu ung asHlloyd fans???
Basta Ashlloyd Fan me!!!
ak0 ashlloyd fan talaga ako..
Leave a Comment