John Lloyd, desidido nang iwan si Bea para kay Sarah

Magmaktol man ang fans, sori na lang…
John Lloyd, desidido nang iwan si Bea para kay Sarah

Kay raming fans nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang nagagalit kung bakit kailangang mawala si “Armando” sa “I Love Betty La Fea” na pinagtatambalan ng dalawa.

Kahit ano ang paliwanag ni TsongkiJohn ay dehins ito nauunawaan ng mga tagahanga ng tambalan nila ni Bea Babes dahil ayaw ng mga fans na may ibang pumasok sa eksena.

Pero decided talaga ang aktor na hayaang makapanghimasok sa buhay ni Betty si Jericho Rosales para lalong umigting ang mga kabanata sa kanilang numero-unong serye.

Ang pangako naman ni Direk Eric Salud ay lalo pa nga nilang mapapalitaw kung gaano kabagay sina Betty at Armando kapag nawala na sa buhay ng pinakamagandang pangit ang simpatikong leading man.

Sa totoo lang, mga tsongkibabes na sumusubaybay sa ILBLF ng Kapamilya network, may mga dapat unahin ngayon si Lloydie dahil naghihintay na po ang follow-up movie nila ni Sarah Geronimo at ang movie naman nila ni Gov. Vilma Santos. Kaya please, give way (please give way daw, o!).

Ang alam ni TsongkiBenj ay dehins pwedeng sumabay ang Star Cinema sa playdate ng Richard Gutierrez-KC Concepcion movie ngayong February sa Valentine’s week opening.

Nevertheless, uubra naman kung hahabulin nila ang magandang playdate after the release of the Chard-KC movie ng GMA Films. Dito tiyak na magpapang-abot din sila kung papatok sa takilya ang ikalawang tambalan nina Chard at KC.

Sa hinuha namin, patok na naman ang balik-tambalan nina Lloydie at SarahBabes, after their blockbuster movie “A Very Special Love.”

So, dehins din maiiwasan ang banggaang GMA Films at Star Cinema, kung ganun. Exciting malaman kung sino ang mas panonoorin ng nakararami!